DI AKO RHASTA…AKO SI TAONG GRASA
Monday, February 22nd, 2010Sorry For those who does speak only in english..but this post is intended for pinoys only.
…..
…….
May mga kakilala akong pulitiko…madami kung tutuusin. Nung buhay pa si erpats maraming pulitiko ang humihingi ng tulong para madagdagan ang kanyang boto. Pero tulad ko…alam ni erpats ang dapat gawin…at di din sya masyadong nakikisimpatya sa mga ito.
Di ako galit sa pulitiko..pero eto ang nakikita ko. Madami sa kanila doble kara. Mabait sa kampanya, walanghiya sa tunay na buhay. Pareho kami ng damdamin ng isa kong utol. nang mamatay si Erpats nuon..di mabilang na pulitiko ang dumating na parang kaibigan namin sila,,walang masama…ang nakakainis, ginawang meeting de abanse ang burol ni erpats.
Madami sa pinoy, alam ko ang kapareho ko ng damdamin.
Madaming pulitiko ang tumatayo lang pag halalan..nakangisi ang larawan na nakadikit sa mga pinagbabawal na lugar. Mababait at laging nakikipagkamay, yumayakap sa mahirap, nakikisalamuha sa mahirap at nagpapanggap na mahirap.
Ngayong araw na ito isisilang si TAONG GRASA. Isang tauhan na likha ko upang kumatawan sa masang pinoy.
Gamit ang ilang pangguhit at lumang papel…eto po ang unang pahina. maigsi pero malaman. Di po ako radikal, mapagmasid lang.

page1














